Sunday, January 23, 2011

Modernong Buhay ng Langgam

          Sa planetang Nemik, may komunikasyon ang mga langgam at tao. Di ba ninyo alam na ang langgam at tao ay may pagkakapareho. Halimbawa na ang paglilibang.

          Isang araw, dahil hindi pa naman nagiging dalawa ang araw ay may isang aso na nagngangalang Ichel ngunit siya ay hindi kasali sa kuwentong ito. Sa bakuran ni mang Teroy ay may isang napakaliit na kompyuter shop. Ito ay kakaiba sapagkat mga langgam ang mga nagkokompyuter dito. Sa katunayan, dinarayo ito ng iba't ibang uri ng langgam kasama na rito ang mga Antek Taray, Antek Baga, Antek Itim, Antek pula at iba pang klase ng mga antek. Maraming naitutulong ang kompyuter sa mga antek. Isa na rito ay ang pagkokomunikasyon sa facebook, dahil dito ay nagagawa nilang makipag-usap sa mga tao.

          Si Tommy, isang matalinong langgam ay may naka-chat na tao, ito ay si mang Teroy, ang nagmamay-ari ng napakalaking bahay at may napakasungit na ugali ngunit nagbabago ito kapag nagkakaroon siya ng ka-chat. Madalas na pinag-uusapan nina Tommy at mang Teroy ang buhay ng mga langgam. Kaya mas marami nang nalalaman si Mang teroy sa buhay ng kanyang ka-chat at ganoon din si Tommy kay mang  Teroy.

          Isang araw, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaaan ang dalawang magka-chat. Nagalit si mang Teroy sa mga asal ni Tommy sa kanya kaya sinira niya ang bahay ng mga langgam sa likod ng kanyang bakuran. Nagalit din si Tommy at ang kanyang angkan at mga kamag-anak kaya gumanti sila. Mula noon ay naging mortal na magkaaway na ang dalawa.


          Isang gabi, may pangahas na magnanakaw ang gustong tangayin ang mga ari-arian at kayamanan ni Mang Teroy, subalit nakita ito ng mga langgam at pinagkakagat nila ito. Sa sobrang sakit ng kagat ng mga langgam ay napasigaw ang magnanakaw at ito ang naging dahilan upang magising at mabulabog ang mga taong natutulog kasama dito si mang Teroy. Nahuli ni mang Teroy ang magnanakaw at ipinakulong niya ito. Ang laki ng pasasalamat ni Mang Teroy kay Tommy at sa iba pang mga langgam. Mula noon ay naging magkaibigan na ulit sila at tulad ng dati ay panay pa rin ang pagcha-chat nila sa isa't isa.

No comments:

Post a Comment